Mga myembro ng Gabinete, malinis sa isyu ng korupsiyon ayon kay Pangulong Duterte

Wala sa sinumang myembro ng gabinete ang sabit sa isyu ng korupsiyon.

Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng aniya’y nananatili pa ring presensiya ng katiwalian sa pamahalaan.

Sinabi ng Chief Executive na ang pino-problema niya ay ang mga nasa ibaba ngunit kung sa lebel ng mga nasa gabinete, inihayag nitong wala siyang problema sa mga ito sa usapin ng korupsiyon.


Mayruon aniya dating bahagi ng kanyang gabinete na nadawit sa iregularidad pero ngayon ay wala na ito sa kanyang team.

Idinagdag pa ng Punong Ehekutibo na kung pag-uusapan ay katiwalian, karamihan sa nakasampang kaso partikular na sa Ombudsman ay may kinalaman sa government-related transactions.

Facebook Comments