May alok na condonation program ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga dati nitong miyembro, subalit umalis na sa gobyerno pero may naiwang utang sa institusyon.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni GSIS Officer-in-Charge (OIC) Vice President for Vismin Operations Group Deity Manampan, na ito na ang pagkakataon para maisaayos ang pagkakautang upang hindi na mauwi sa kasuhan.
Aniya, kailangan lamang mag-apply, mag-download ng form at isumite ito sa GSIS kalakip ang dalawang valid IDs.
Gayunpaman, kailangan aniyang magmadali ang mga gustong mag-avail ng condonation program sapagkat mayroon na lamang hanggang June 30 para ito maisumite at maiproseso.
Mahalaga aniyang maayos ang anumang pagkakautang sa GSIS upang pagsapit ng pagriretiro sa edad na 60 ay may matanggap silang pensyon.