Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na magiging maayos at organisado ang pagpapalabas nila sa kopya ng election result.
Ayon sa poll body, magtatalaga sila ng “gate keeper” na siyang magbabantay, sasala at magko-kontrol sa mga update sa halalan.
Ito ay para sabay-sabay ang pagbibigay at pagsasapubliko ng media sa impormasyon sa election.
Ginawa rin ito para maiwasan ang pag-uunahan ng mga partido sa pagkuha ng kopya ng halalan.
Samantala, nasa 80% na o nasa 49,569,097 na mga balota na ang na-imprinta ng Comelec halos isang buwan bago ang target deadline sa paglilimbag nito sa April 25.
Ang mga balotang hindi pa natatapos ay para sa dalawang rehiyon na lamang, kasama ang National Capital Region.
Dahil dito, kumpinyansa ang Comelec na mas mabilis nilang matatapos ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa May 13 midterm elections.