Tutulungan ng embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipinong na-istranded sa Israel.
Ayon sa Department Of Foreign Affairs (DFA) inaalam na nila ang mga pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) kasama na ang kanilang mga anak na nakatakdang i-deport sa Israel.
Overstaying at paglabag sa mga batas ang dahilan ng deportation ng mga OFW at mga pamilya nito sa Israel.
Binigyan diin ng ahensya na nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa gobyerno ng Israel para makauwi nang ligtas at maayos ang mga pinoy.
Facebook Comments