Wala nang dapat ikabahala sa magiging supply ng langis sa Bicol Region, dahil nakapasok na sa rehiyon ang mga na-stranded na fuel tanker dahil sa Bagyong Kristine.
Batay sa ulat ng Department of Energy (DOE), nasa 42 tankers na ng gasolina at diesel na may 1,000,000 liters at 19 tankers na naglalaman ng 22,000 cylinders ng LPG ang nakarating na sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, at Masbate.
Dahil dito, nasa 76% na retail outlets na sa Bicol Region ang operational at may supply ng langis.
Ang mga LPG ay maaaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong linggo, habang ang isang milyong litrong langis ng fuel ay sapat, na katumbas ng 25,000 units ng ambulances.
Kaugnay nito, nagpadala rin ang DOE ng limang teams mula sa Oil Industry Bureau sa Bicol Region upang matiyak na walang mag-o-over-priced sa presyo ng produktong petrolyo.
Hinimok din nila ang publiko na agad isumbong ang anumang pananamantala sa presyo ng langis.