Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang checkpoint sa Valenzuela-Meycauayan boundary sa MacArthur Highway kung saan na-stranded ang maraming indibidwal dahil sa ipinatupad nitong enhanced community quarantine.
Bandang alas-4:30 ng umaga nang dumating ang pangulo sakay ng isang itim na SUV.
Nang personal na makita ang sitwasyon ng mga tao, agad niyang sinabihan ang mga sundalo at pulis na payagang makadaan ang mga naabutan ng total lockdown sa Luzon.
Kinausap naman ng AFP ang mga sibilyang naipit na makakadaan sila ngayon sa checkpoint subalit hindi na padadaanin dito pabalik.
Sampung minutong nagtagal sa checkpoint si PRRD at umalis pasado alas-4:45 ng umaga.
Pagkatapos palusutin ang mga commuter at motorista, muling ibinalik ng mga tauhan ng Valenzuela TMO at ng pulisya ang mga nakaharang na plastic barriers.
Ipinatupad sa buong Luzon ang enhanced community quarantine nitong Lunes ng gabi bilang bahagi ng precautionary measures laban sa COVID-19.