Mga na-veto na probisyon ni Pangulong Marcos sa 2023 budget, valid ayon sa oposisyon

Hindi pumalag ang oposisyon sa Senado sa mga probisyon ng P5.268 trillion 2023 national budget na na-veto ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, “valid points” naman ang inilatag ng pangulo sa kanyang veto message.

Kabilang sa mga na-veto ng presidente sa 2023 budget ang Special Provision No. 1 “Use of Income”, ang Department of Education-Office of the Secretary Special Provision No. 4, “Revolving Fund of DepEd TV”, T Special Provision No. 4 para sa “Branding Campaign Program,” ng Department of Tourism (DOT).


Sa kabilang banda, inihirit ni Pimentel na sana ay totoong mag-reflect o makita sa budget ang pagprayoridad partikular na sa sektor ng edukasyon na siyang minamandato ng ating Konstitusyon.

Dagdag pa ni Pimentel, kahit may mga probisyon na ibinasura ang pangulo, mahalagang mabantayang mabuti ng Kongreso kung paano ipapatupad at gagastusin ang pambansang pondo.

Facebook Comments