Mga naagrabyado sa talamak na katiwalian sa DA, maaring mahikayat ng NPA

Hindi lamang ang kasiguruhan ng bansa sa pagkain ang nanganganib sa walang habas na katiwalian sa Department of Agriculture (DA) kundi pati na rin ang pambansang seguridad.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, maaring magbunsod o mahikayat na sumapi sa New People’s Army (NPA) ang mga lokal na negosyante na maaagrabyado ng hindi makatwirang patakaran at matinding katiwalian.

Ito ang nakikita ni Lacson matapos na mabunyag ang mga gawain tulad ng smuggling ng mga pagkain at iba pang produktong Agrikultura sa kabila ng sapat na produksiyon ng mga ito buhat sa mga lokal na magsasaka.


Punto ni Lacson, saan pa tayo pupulutin kung may mga walang kaluluwa at walang konsensya na kumita na sa Personal Protective Equipment (PPEs), at kung saan-saan gayundin sa smuggling at pati pagkain ng ordinaryong Pilipino ay hindi rin pinatawad.

Pangunahin ding binanggit ni Lacson na tiyak madedehado sa mga lokal na magbababoy ang Executive Order (EO) Number 128 na magpapababa ng imported pork sa bansa.

Dagdag pa ni Lacson, mawawalan din ang gobyerno ng ₱5.4 bilyong koleksyon dahil ibababa din ng EO ang taripa sa pork importation.

Facebook Comments