Nasa 36 na domestic at international flights ang naantala ang biyahe kagabi matapos mag isyu ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng red lightning alert.
Matatandaang nag-isyu ang MIAA ng red lightning alert mula 12:30 AM at tinanggal bandang 1:35 ng madaling araw.
Samantala, 2 flights din ang na-divert sa NAIA patungong Clark International Airport.
Sa kabila ng delay, wala namang iniulat na cancelled flights dahil sa alerto.
Ang red lighting alert ay ipinatutupad sa paliparan upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari kapag may intense lighting activity na maaaring maglagay sa panganib sa mga tauhan, pasahero at maging sa operasyon ng paliparan.
Facebook Comments