Mga naapektuhan ng bagyo na hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose ng bakuna, walang dapat na ipag-alala

Walang dapat na ipag-alala ang mga residente sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang Bagyong Odette at hindi nakatanggap ng 2nd dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson & Health Usec. Myrna Cabotaje na batay sa minimum interval ng mga bakuna 21 days ang laan para sa Pfizer, 28 days naman sa Moderna at Sinovac at 4 linggong interval sa AstraZeneca.

Gayunman, mayroon naman aniyang maximum interval ang mga bakuna na tatlo hanggang anim na buwan.


Kaya ayon kay Cabotaje, pupwede pa ring maturukan ng 2nd dose ang mga kababayan nating hinagupit ng bagyo dahil nananatili ang bisa ng mga bakuna kahit pa umabot ng 6 na buwan ang interval.

Facebook Comments