Patuloy na nadadagdagan ang bilang nang naitatalang apektado ng Bagyong Aghon.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 16,336 na pamilya o katumbas ng 51,659 na inidbidwal ang apektado ng bagyo.
Mula ito sa 364 na barangay sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 7, Region 8 at NCR.
Sa naturang bilang 3,878 na pamilya o 14,816 mga indibidwal ang nanunuluyan pansamantala sa evacuation centers habang ang ibang apektado naman ay nakalabas na ng evacuation centers.
Samantala, nananatili namang sa isa ang kumpirmadong nasawi at nasaktan na konektado sa bagyo ang naitala ng NDRRMC habang pitong nasaktan ang patuloy pang beneberipika.
Facebook Comments