
Lumobo na sa mahigit pitong milyong indibidwal ang naapektuhan ng mga nanalasang Bagyong Crising, Dante at Emong maging ang habagat.
Sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, nasa kabuang 7,293,496 na mga indibidwal ang apektado na ng kalamidad na katumbas ng 2,260,185 na mga pamilya.
Nasa mahigit 3,000 pamilya naman o 110,000 na mga indibidwal ang nanunuluyan sa mahigit 1,000 evacuation center.
Nasa 24,000 families o mahigit 93,000 na katao ang namamalagi sa kanilang mga kaanak.
Samantala, umabot na P609.4 million ang tulong ang naipamahagi ng DSWD sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Facebook Comments









