Nagpdala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng aabot sa pito at kalahating toneladang relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Julian sa Batanes.
Ang mga ayuda ay isinakay sa C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) mula Villamor Airbase sa Pasay City patungong Basco, Batanes.
Katuwang ng Pilipinas ang 2 pang C-130J aircraft ng US Marines na naghatid din ng mga tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na tulong ay mga bigas, inuming tubig at mga delatang pagkain mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), USAID at pribadong sektor.
Ang magkatuwang na hakbang na ito ng Pilipinas at Amerika ay patunay ng matibay na alyansa ng dalawang magkaalyadong bansa na mahatiran ng tulong sa lalong madaling panahon ang mga kababayan nating hinagupit ng nagdaang Bagyong Julian.