Pumalo pa sa 3,599,109 na indibidwal ang naapektuhan sa pananasala ng Bagyong Odette.
Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng 927,369 na pamilya.
Aabot naman sa 76,293 na pamilya o 303,592 na indibidwal ang namamalagi sa 1,242 na mga evacuation center.
Nasa 95,438 na kabahayan ang tuluyang nawasak ng bagyo habang 204,332 na bahay ang bahagyang napinsala.
Sa kasalukuyan, P90.1 million na halaga ng humanitarian assistance ang naipaaabot ng DSWD, mga Local Government Units (LGU) at non-government organizations sa mga rehiyong sinalanta ng Bagyong Odette.
Facebook Comments