Mga naapektuhan ng baha sa Maguindanao , pinagkalooban ng ayuda!

37

Pinangunahan mismo ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang relief distribution sa libong mga residente na naapektuhan ng flash flood sa mga bayan ng Datu Salibo at Datu Piang.
Hatid ni GMSM ang mga food items na kinabibilangan ng sako -sakong bigas .
Bukod sa foodpacks, nagkaloob pa ng serbisyo medical ang Provincial Government sa mga residenteng naapektuhan.
Naging katuwang ng PGO ang mga elemento ng militar at PNP.
Matatandaang ilang linggo na ring naperwisyo ang mga residente ng Datu Salibo at bahagi ng Datu Piang dahil sa pag-apaw ng ilog sa tuwing bumubuhos ang ulan.
Nauna na ring ipinangako ni GMSM na aaksyunan ang mga problemang nararamdaman ng kanyang mga kababayan.
Samantala nauna naring inihayag sa DXMY ng mga bagong halal na opisyales ng Datu Salibo na magiging prayoridad na masosulosyunan ang matagal ng problema sa baha(D.A)

Facebook Comments