Lumobo pa ang bilang ng mga naapektuhan ng El Niño batay sa talaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sa talaan ng DSWD, aabot na sa 2,044,338 na indibidwal o katumbas ng 471,810 na pamilya ang naapektuhan ng El Niño.
Ayon sa DSWD, mula ang mga ito sa Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, Cordillera Administrative Region at BARMM.
Paliwanag pa ng DSWD, aabot na sa ₱64.5 million na halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot ng DSWD sa mga naapektuhan ng El Niño.
Sa kabuuan ay mayroong ₱2.4 billion na available relief resources ang DSWD.
Facebook Comments