Umaabot na sa ₱379.06 million na halaga ng tulong ang naipaabot ng Department of Agriculture (DA) sa mga naapektuhan ng El Niño sa mga probinsya.
Ayon sa DA, kabilang sa mga tulong na ipinamahagi ng ahensiya ay high-value crops, hybrid rice seeds, financial assistance, at insurance claim sa mga apektadong magsasaka.
Paliwanag ng DA sa naturang bilang aabot na sa 29,437 na mga magsasaka ang naapektuhan ng El Niño mula sa walong rehiyon.
Sa Iloilo at Negros Occidental, aabot sa mahigit sa ₱900,000 halaga ng mongo ang ipinamahagi ng DA.
Nasa ₱7.87 million na halaga naman ng hybrid rice seeds at ₱7.63 million na halaga ng fertilizers ang ipinamigay sa mga magsasaka sa Western Visayas.
Habang nakatanggap naman ng tulong pinansyal mula sa rice farmers financial assistance ang mga magsasaka sa MIMAROPA.