Mga naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra, makatatanggap ng emergency cash transfer assistance ayon sa DSWD

Makatatanggap ng emergency cash transfer (ECT) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga residenteng naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra noong buwan ng Hulyo.

Makatutulong ang ECT program upang makabangon ang mga pamilyang may nasirang kabahayan.

Gayundin sa muling pagpapasigla sa lokal na pagnenegosyo sa lugar.


Naglaan ang DSWD ng mahigit P214M para ayudahan ang abot sa 23,415 na pamilya mula sa Abra at sa Mountain Province.

Para sa pamilya na may partially damaged houses, makatatanggap ang mga ito ng cash aid na katumbas ng 75 percent ng Minimum Regional Daily Wage Rate o katumbas ng P8,550.

At sa mga pamilya na may totally damaged houses ay makatatanggap ng P25,650.

Ang probinsya ng Abra ang kauna-unahang makikinabang sa ECT program kung saan ipatutupad ito sa 27 na munisipalidad doon.

Kabilang sa mga kuwalipikadong benepisaryo rito ay mga lubhang mahihirap na pamilya na nasa ilalim ng DSWD Listahanan Poverty Database at residente sa mga malalayo o liblib na komunidad at kabilang sa bulnerableng sektor.

Facebook Comments