Naghatid ng ayuda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Landing Dock 601 at 602 sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Mindanao.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, ang BRP Tarlac ay nasa Zamboanga City ngayon kung saan may dala itong 276 tons ng relief goods.
Habang ang BRP Davao del Sur ay kasalukuyan pang naglalayag pa Iligan kung saan inaasahang dadating bukas ng umaga.
May dala itong 358 tons ng relief goods na kinabibilangan ng food packs, kitchen kits, hygiene kits, sleeping kits, family tents at iba pa.
Sinabi ni Col. Baclor na tulong-tulong ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection-Zambales (BFP), Philippine National Police (PNP) Regional Office-Zambales, Philippine Coast Guard (PCG) Station-Zambales at Philippine Navy personnel para maisakay ang kabuuang 634 tons ng mga relief good.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 40 na ang iniulat na nasawi dahil sa epekto ng sama ng panahon.