Kahit tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Obet.
Tumaas pa ang bilang ng mga naapektuhang indibidwal mula sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kabuuan ay nasa 3,217 pamilya ang apektado o katumbas ng 10,894 na indibidwal mula sa 56 na barangay sa mga nabanggit na rehiyon.
Pinakamarami sa apektado ay mula sa Region 2 na halos 10,000 indibidwal dahil sa may ilang lugar pa rin dito ang lubog sa baha.
Samantala, 10 evacuation centers na lamang ang pansamantalang tinutuluyan ng nasa higit 500 katao sa Region 2.
Ang mga ito ay binigyan ng ayuda ng pamahalaan tulad na lamang ng family food packs at hygiene kits.
Kasunod nito, patuloy pang beneberipika ng NDRRMC ang dalawang napaulat na nasawi mula sa Cagayan.