Mga naapektuhan ng oil spill, patuloy na nadadagdagan ayon sa NDRRMC

Sumampa na sa 36,658 pamilya o katumbas ng 172,928 mga indibidwal ang naaapektuhan ng oil spill dulot ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Batay ito sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction & Management Council o NDRRMC.

Ang nasabing bilang ng mga apektadong residente ay mula sa 163 mga barangay sa CALABARZON, MIMAROPA at Region 6.


Nakapagtala rin ang mga awtoridad ng 206 mga indibidwal na nasaktan.

Habang nasa 13,654 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan kung saan 10 syudad at munisipalidad na ang nagdeklara ng State of Calamity.

Sa ngayon, umabot na sa P136M ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga apektadong residente.

Facebook Comments