Mga naapektuhan ng sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa, binigyan ng tulong ng pamahalaan

Nagpaabot ng tulong ang national government sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon dulot ng pinagsamang low pressure area (LPA), shearline at hanging amihan.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, nakapaglabas na ang gobyerno ng ₱4 million halaga ng family food packs sa Region VI, XI at CARAGA.

Sa ngayon, tuloy-tuloy rin ang pag-aabot ng tulong ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan kasama ang OCD, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon.


Mayroon din aniyang mga inilikas na mga residente partikular na sa CARAGA Region dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Aniya, ilan sa mga naapektuhang pamilya ay pansamantala munang inilikas at nanunuluyan sa mga evacuation center at sila naman ay pinagkakalooban ng ayuda tulad ng mga pagkain, damit, gamot at iba pa.

Facebook Comments