Mga naapektuhan ng sunog sa Bacolod City, posibleng manatili pa sa temporary evacuation center

Posibleng aabutin pa ng dalawang linggo sa Apolinario Mabini Elementary School na nagsilbing temporary evacuation center ng mga nasunugan na pamilya sa Barangay 27, Bacolod City.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head, Dr. Anna Maria Laarni Porman, pagkatapos ng dalawang linggo, puwede na lumipat ang evacuees sa City Evacuation Center sa Barangay Vista sa naturang lungsod.

Nabigyan na rin ng CDRRMO ng food packs, hygiene kits, tents, water containers, at logistical support ang evacuees habang pinoproseso na ang financial assistance sa mga biktima.

Sa talaan ng CDRRMO, nasa 314 pamilya o 964 indibidwal ang apektado ng sunog.

232 naman ang naitalang lubos na napinsalang bahay habang dalawa naman ang bahagyang napinsala.

Isinailamin naman sa modular learning ang mga estudyante ng naturang elementary school dahil ginagamit ang eskwelahan bilang evacuation center.

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection, electrical ignition ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments