Mga naapektuhang indibidwal ng Bagyong Karding, lumobo pa sa mahigit 600,000

Dumami pa ang bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Karding.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na ito ngayon sa 176,337 pamilya o katumbas ng 640,963 mga indibidwal.

Galing ang mga naapektuhang indibidwal sa Region 1, 2, 3, 5, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region.


Sa nasabing bilang, 6,435 na indibidwal ang nanunuluyan pa rin pansamantala sa 391 na mga evacuation centers.

Habang ang nasa mahigit 15,000 apektadong indibidwal ay mas pinili na makitira sa kanilang mga kamag-anak.

Samantala, sa datos pa rin ng NDRRMC, umaabot na sa P14.6 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments