Personal na tinungo ni Mayor Fernandez at kinausap ang mga empleyado at tagapamahala ng naapektuhang mga business establishment sa konstruksyon ng proyektong Road Elevation at Drainage Upgrade na kasalukuyang ginagawa sa kahabaan ng Arellano St at AB Fernandez West dito sa Dagupan City.
Matatandaan na ang proyektong ito ay mula sa national agency na Department of Public Works and Highways na may layong matugunan umano ang problemang pagbaha sa lungsod.
Sa naunang mga pahayag ng alkalde ay magkakaroon umano ng assistance na maaaring iabot ang lokal na pamahalaan para sa mga negosyong maaapektuhan ng nasabing proyekto lalo na at mayroon na rin itong Notice to Proceed o NTP, sa madaling sabi ay maaari na itong maumpisahan sa anumang araw partikular sunod sa kahabaan ng Perez Blvd. at MH Del Pilar St.
Samantala, kaugnay nito ay ilan pa ring mga Dagupeno ay nagpahayag ng di pagsang-ayon habang ang iba rin ay suportado ang proyektong tutulong umano upang maibsan ang pagbaha sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments