Mga naaresto at sumukong mga opisyal ng DPWH-MIMAROPA, nakakulong na

Dinala na sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Quezon City ang pito sa walong naaresto dahil umano sa iregularidad sa ₱289.5 milyong halaga ng proyekto para sa flood control sa Naujan, Oriental Mindoro na kinontrata ng Sunwest Inc.

Dinala naman sa Kampo Karingal sa Quezon City ang isang babaeng sangkot din sa maanomalyang proyekto.

Kaninang umaga nang iharap sa Sandiganbayan ang mga idinadawit sa proyekto kabilang si Engineer Dennis Abagon, dating OIC-Chief For Quality Assurance And Hydrology Division at kasalukuyang OIC-Chief for planning and design division ng Department of Public Works and Highways DPWH-MIMAROPA.

Dumating din ang mga sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina Gerald Pacanan, Gene Ryan Alurin, Ruben Delos Santos, Dominic Gregorio, Felisardo Sevare at Juliet Cabungan.

Facebook Comments