Nadadagdan pa ang bilang ng mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kidnapping na may kinalaman sa mga pagkakautang sa casino.
Sa pinakahuling datos ng PNP-Anti Kidnapping Group, mula 2017 hanggang September 21, 2019 umabot na sa 132 mga suspek ang kanilang naaresto.
119 sa mga ito ay Chinese, 2 Malaysians, 4 Koreans at 7 Filipino.
Umaabot naman sa 68 ang mga biktima ng kidnapping ang nasagip ng AKG sa kanilang mga operasyon.
57 sa mga nasagip ay mga Chinese, 4 na Malaysians, 3 Koreans, 1 Vietnamese, 1 Australian, 1 Singaporean at 1 US citizen.
Ayon kay Police Lt. Col. Elmer Cereno, spokesperson ng AKG, na dahil sa dumaraming bilang ng casino related kidnapping ay mas pinaigting pa nila ang kanilang kampanya at pakikipag-ugnayan sa kanilang foreign counterparts.