Mga naaresto dahil sa liquor ban sa NCR, umabot sa 105

Umabot sa 105 na indibidwal ang nahuli sa Metro Manila dahil sa paglabag sa liquor ban na nagsimula noong Mayo 8 hanggang Mayo 9 o araw ng halalan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, itinuring itong paglabag sa mga batas sa halalan at naisampa na ang mga reklamo laban sa kanila.

Kaugnay nito ay sinabi ni Tecson na walang naitala ang NCRPO na anumang insidente ng karahasan na may kinalaman sa eleksyon sa NCR.


Naging maayos at mapayapa rin ang Black Friday Protest na isinagawa ng iba’t ibang grupo sa Philippine International Convention Center (PICC).

Facebook Comments