Umabot na sa 567 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa election gun ban.
Batay sa PNP, 21 firearms ang kanilang nakumpiska, 71 ammunition, at siyam na deadly weapons.
Ang mga nahuling lumabag ay mula sa Quezon City, Manila City, Davao City, Bataan, Cagayan, Muntinlupa City, Navotas City, Las Piñas City, Pasig City, Masbate, Laguna, Cebu, San Juan City, Caloocan City, Valenzuela City, at Pasay City.
Sa kabuuan, nasa 3,825 checkpoints na ang inilatag ng PNP.
Batay sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10728, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibitbit o pagbiyahero ng mga armas o deadly weapons sa mga pampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.
Exempted naman sa naturang batas ang mga law enforcers at ahensya na nakakuha ng otorisasyon mula sa COMELEC.