Umabot na sa 1,791 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na Comelec gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, pinakamarami sa mga ito ay mga sibilyan na bumibilang ng 1,724.
27 naman ang security personnel, 15 ang miyembro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines at 16 na iba pa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na nasa 643.
Kasunod ang Region 4A na may 196; Region 7 na mayroong 195; Region 3 na may 177 at Region 6 na mayroong 93.
Resulta ito ng 1,673 operasyong isinagawa mula January 9 hanggang kahapon, March 13, 2022.
Nakumpiska naman ng PNP sa mga nabanggit ang 1,379 firearms, 650 deadly weapon at 7,634 na mga bala.
Facebook Comments