Umabot na sa 1,590 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na COMELEC gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, pinakamarami sa mga ito ay mga sibilyan na bumibilang ng 1,532.
21 naman ang security personnel, 15 ang miymebro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 13 ang iba pa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na na sa 553, kasunod ang Region 7 na nasa 179, Region 4A 176, Region 3 167 at Region 6 na umabot sa 84.
Resulta ito ng 1,478 operasyong isinagawa mula January 9 hanggang kahapon.
Nakumpiska naman ng PNP sa mga nabanggit ang 1,231 firearms, 572 deadly weapons at mahigit 6,838 bala.
Facebook Comments