Umabot na sa 1,830 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, pinakamarami sa mga ito ay mga sibilyan na bumibilang ng 1,763
27 naman ang security personnel, 15 ang miyembro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at 16 na iba pa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na nasa 658 kasunod ang Region 4A na 206; Region 7, 198; Region 3, 177 at Region 6, 94.
Resulta ito ng 1,711 operasyong isinagawa mula January 9 hanggang ngayong araw.
Nakumpiska naman ng PNP sa mga nabanggit ang 1,409 firearms; 670 deadly weapon, at 7,792 na mga bala.
Facebook Comments