Mga naaresto sa paglabag sa gun ban, nasa 1,750 na ayon sa PNP

Umabot na sa 1,720 ang mga nahuli ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Command Center, pinakamarami sa mga ito ay mga sibilyan na bumibilang ng 1,683.

27 naman ang security personnel, 15 ang miyembro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 16 iba pa.


Ang National Capital Region ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na nasa 631 kasunod ang Region 4-A na 189, Region 7 na may 193, Region 3 na may 172 at Region 6 na may 91.

Resulta ito ng 1,627 operasyong isinagawa mula January 9 hanggang kahapon March 10, 2022.

Nakumpiska naman ng PNP sa mga nabanggit ang 1,348, firearms; 632 deadly weapon, at 7,516 na mga bala.

Facebook Comments