Mga naarestong foreign nationals sa sinalakay na POGO hub sa Cavite, nananatili sa kustodiya ng PAOCC

Bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na all-out ban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite Provincial Field Unit (PFU), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Elijosh Resort, sa Barangay Lalaan 2, Silang, Cavite, nitong January 15, 2025.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, nag-ugat ang nasabing operasyon makaraang magreklamo ang resort owner noong Nobyembre 2024 hinggil sa kahina-hinalang aktibidad ng mga banyaga sa resort.

Iniulat naman ni Acting CIDG Director PBGen. Nicolas Torre III na nagresulta ang raid sa pagkakaaresto sa 29 na indibidwal kabilang ang 23 Chinese nationals at 6 Myanmar nationals na sangkot sa illegal POGO operations.


Nakumpiska sa mga ito ang gambling paraphernalia, computer sets, at laptops na ginagamit sa online gaming activities.

Nasa kustodiya ng PAOCC ang mga naarestong banyaga habang pinoproseso ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang deportation.

Facebook Comments