Mga naarestong illegal aliens, umabot sa 1,500

Umabot na sa 1,500 illegal aliens ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa ngayong taon.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, tumaas ang bilang ng mga naaresto kumpara noong nakaraang taon na nasa higit 500 lamang.

Karamihan sa mga paglabag ng mga dayuhan ay overstaying sa bansa, kulang ang mga kaukulang dokumento, at mga nagtatagong pugante.


Dagdag pa ni Sandoval, tumaas din ang bilang ng mga dayuhang pumapasok sa bansa kung saan mayorya ay mga manggagawa at estudyante.

Nasa 13 Milyong dayuhan ang dumating sa Pilipinas ngayong taon.

Karamihan naman sa illegal foreign workers ay Chinese.

Naghigpit na ang BI sa pag-iisyu ng Special Working Permit sa mga ito na valid lamang ng hanggang anim na buwan.

Ang BI ay nagpapatupad ng Inter-Agency Policy kasama ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa pag-iisyu ng Work Permits sa mga dayuhan.

Facebook Comments