Mga naarestong lumabag sa election gun ban, umabot na sa 76

Umabot na sa 76 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban kaugnay ng 2022 election.

Batay sa PNP, nakumpiska sa mga naturang violator ang 12 firearms, 148 ammunition, at isang deadly weapon.

Ang mga lumabag sa gun ban ay mula sa Sorsogon, Davao de Oro, La Union, Bulacan, Lanao del Sur, Abra, Negros Occidental, Batangas, Nueva Ecija, Quezon, at Taguig.


Aabot naman sa 18,978 checkpoints ang itinalaga sa pagpapatupad ng gun ban.

Nauna nang naglabas ang Commission on Election (COMELEC) ng Resolution No. 10728 na nagbabawal sa pagdadala o pagbibitbit ng baril o deadly weapons sa labas ng bahay sa lahat ng pampublikong lugar hanggang Hunyo 8.

Facebook Comments