Mga naarestong lumabag sa gun ban, nadagdagan ng 24 sa nakalipas na magdamag ayon sa PNP

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga lumalabag sa pinaiiral na gun ban kaugnay ng eleksyon 2022 sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes, April 27, umabot na ito sa 2, 865 matapos mahuli ang karagdagang 24 na violator kahapon.

Sa nasabing bilang, 2,760 ang sibilyan, 45 ang security guards, 17 ang miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 26 ang iba pang violators.


Pinakamarami sa mga nahuli ay sa National Capital Region (NCR), sinundan ng Region 4-A, Region 7, Region 3 at Region 6.

Nakumpiska sa mga ito ang 2,180 na baril. Mula January 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 2, 738 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments