Mga naarestong suspek sa Degamo killing, hindi na maghahain ng kontra salaysay

Wala nang plano na maghain ng counter-affidavit ang mga suspek sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ng pamilya Degamo, naghain ng manifest ang mga respondent na hindi na ito magsusumite ng kontra salaysay sa panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ).

Ito ay dahil sa katumbas na rin ito ng kanilang pag-amin sa partisipasyon sa krimen.


Dahil dito, hiniling ni Baligod sa DOJ na iresolba na ang naturang kaso.

Umaasa naman ang kampo ni Degamo na sa mga susunod na linggo ay lalabas na ang desisyon ng DOJ sa kaso.

Facebook Comments