Mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa Mandaluyong City, mahigit 39,000 na

Inihayag ni Jimmy Isidro, tagapagsalita ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong, na nasa 39,381 na ang nababakunahan laban sa COVID-19 na mga residente.

Mula sa nasabing bilang, 13,516 nito ay nakatanggap na ng completing dose ng bakuna.

Sa medical frontliners, 4,170 na ang nabigyan first dose at second dose.


Nasa 14,040 naman na mga senior citizen ang nabakunahan na kung saan 2,220 sa kanilang ay mabibigyan na ng second dose.

21,089 naman ang bilang ng mga nabakunahang mga indibidwal sa lungsod na kabilang sa persons with comorbidities habang ang 8,466 sa kanila ay kumpleto na ang dose ng bakuna.

Nagsimula na rin magbakuna ang lungsod na kabilang sa A4 o economic frontliners, kung saan 102 na ang nabakunahan ng first dose.

Samantala, ngayong araw, nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 sa Mandaluyong City Medical Center Mega Vaccination Site, Pedro P. Cruz Elementary School, Andres Bonifacio Integrated School, Isaac Lopez Integrated School, Hulo Integrated School, at La Salle Greenhills East.

Facebook Comments