Mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa San Juan, nasa 75% na

Inihayag ni Mayor Francisco Zamora ng San Juan City na nasa 75% na o katumbas ng 63,950 indibidwal ang nabakunahan sa lungsod laban sa COVID-19.

Ito aniya ay mula sa target population ng lungsod na 85,000 indibidwal, kung saan ang natitirang bilang nito ay planong mabakunahan ng first dose sa katapusan ng Hulyo.

Habang sa buwan naman ng Agosto ay planong tapusin ang pagbabakunahan ng 2nd dose.


Samantala, nakatakdang magbukas sa susunod nga araw ang ikatlong vaccination site ang lungsod na itatayo sa sa V-Mall Green-Hills Service Center upang madadagan ang bilang ng mga magpapabakuna sa lungsod.

Ito ay dahilan para tumaas ang bilang mula 4,000 hanggang 5,000 na indibidwal ang mabakunahan sa lungsod kada araw.

Aniya, game changer ang mga vaccine sa paglaban kontra COVID-19, sa ibang bansa, kaya naman hinikayat niya ang publiko na magparehistro na sa kanilang Mandavac.

Facebook Comments