Umabot na sa 8,407,342 dose ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa buong bansa hanggang nitong Hunyo 20, 2021.
Batay sa Department of Health at National Task Force Against COVID-19, nasa 6,253,400 ang nabigyan na ng unang dose habang 2,153,942 ang nakatanggap na ng ikalawang dose.
Sa mahigit 2 milyong fully vaccinated na, 1,067,630 ay health workers, 553,527 senior citizens, 524,699 persons with comorbidities, at 8,086 economic frontliners.
Ang kabuuang doses na naipamahagi na sa ika-16 na linggo ng pambansang bakunahan ay umabot na sa 1,461,666 doses.
Nasa 208,809 na rin ang average daily administered doses kada araw mula sa 3,991 vaccination sites sa buong bansa.
Facebook Comments