Mga nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccines sa bansa, sumampa na sa higit 4.4-M

Umaabot na sa kabuuang 4,495,375 mga Pilipino ang nabakunahan na ng anti-COVID-19 vaccine.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje, pinuno ng National Vaccination Operations Center, na patuloy na dumadami ang mga nababakunahan kasunod na rin ng pagdagsa ng bakuna sa bansa.

Sa nasabing bilang 1,340,337 na health workers ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna, habang nasa 581, 797 ang nakakumpleto na ng 2nd dose.


Sa mga senior citizen o A2 catergory 1,174,191 na ang nakatanggap ng 1st dose at 195, 952 ang tapos na maging ang kanilang 2nd dose.

Sa hanay naman ng A3 category o may mga commorbidities 941,091 ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 250, 777 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.

Nasa 10, 695 frontline personnel o A4 category ang nakatanggap na ng 1st dose habang 535 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.

Sa ngayon ani Cabotaje mayroong 1,381 vaccination sites sa bansa.

Positibo naman ito na patuloy pang dadami ang mga nababakunahan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bakuna pagsapit ng Hunyo.

Facebook Comments