MGA NABAKUNAHAN NG ANTI-RABIES NA ALAGANG HAYOP SA MANGALDAN, NADAGDAGAN PA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nababakunahan ng anti rabies vaccine na alagang aso at pusa sa bayan ng Mangaldan.

Umabot sa 338 na mga alagang hayop sa Barangay Guilig ang nabigyan ng nasabing libreng bakuna, 282 sa mga ito ay alagang aso at 56 naman na alagang pusa.

Nasa 156 na pet owners naman ang kabuuang bilang ng mga naserbisyohan ng aktibidad mula sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Muli rin na iginiit sa mga pet owners ang umiiral na ordinansa ukol sa “Aso mo, Itali mo” para maiwasan na may mabiktima ng pangangagat ng hayop na may rabies.

Bukod sa isinasagawang paglilibot sa bawat barangay ay bukas rin ang opisina sa mga walk-in clients, Lunes hanggang Biyernes mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon para sa libreng anti-rabies vaccine. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments