Maghihintay pa ng hanggang anim na buwan ang mga indibidwal na nabakunahan ng Sputnik V vaccine, bago tanggapin ang kanilang second dose.
Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, mas mahaba ito kumpara sa inirekomendang interval period na nasa 21 hanggang 42 days matapos ang unang dose.
Tiniyak naman ng DOH na makakatanggap pa rin ng mga bakuna ang mga indibidwal matapos ang anim ng buwan.
Nitong Agosto, umabot na sa 15,000 doses ang mga bakunang natanggap ng Pilipinas na gagamitin para sa ikalawang dose.
Facebook Comments