Pumalo na sa mahigit 10.3 million ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan na sa Metro Manila batay sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Agosto 13.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, sa 10.3 million na nabakunahan, 6.2 million ay nabigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Habang ang nabakunahan naman na ng 2nd dose ay nasa 4.54 million.
Halos 76 percent na rin ng mga senior citizens sa Metro Manila ang fully vaccinated habang 89% ang nakatanggap na ng unang dose.
Pahayag ni Abalos, nasa 231,000 indibidwal ang nababakunahan sa Metro Manila sa loob lang ng isang araw, na pinakamataas na simula nang ipatupad muli ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Nabatid na 250,000 ang target na mabakunahan kada araw sa Metro Manila habang umiiral ang ECQ na magtatapos na sa August 20.