Tiniyak ng pamahalaan na papayagan nila ang mga nakakumpleto ng Sinovac doses na pumili ng anumang brand para sa booster shot na ibibigay sa kanila.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., hihinintay na lang nila ang inaprubahang amendment ng kasalukuyang Emergency Use Authorization (EUA) na ibinigay sa COVID-19 vaccine manufacturers.
Aniya, sa oras na maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ito ay ibibigay ng World Health Organization-Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (WHO-SAGE) ang kanilang pinal na rekomendasyon sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Nilinaw naman ni Galvez na hihintayin pa rin nila ang komento ng WHO hinggil dito para maiwasan ang diskriminasyon sa ibang vaccine brands.
Facebook Comments