Mga nabakunahan sa Taguig, umabot na ng 14,155 na indibidwal

Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na nasa 14,155 na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Batay sa kanilang datos, as of April 8, 2021, mula sa 14,155 na mga residente ng lungsod, 3,091 dito ay mga senior citizens at 2,552 non-senior citizens na may comorbidities ang nabigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Habang ang 8,512 ay mga frontliner ng lungsod kung saan ang 536 sa kanila ay naturukan na ng ikalawang dose.


Ayon kay Mayor Lino Cayetano, target nila na mabakunahan ang lahat ng senior citizen sa unang kalahati ng taong 2021 at ang 630,000 eligible citizens nito.

Tiniyak ng alkalde na patuloy silang makikipag-ugnayan sa national government at sa mga supplier ng COVID-19 vaccine upang makapagbigay ng magandang portfolio ng vaccines sa mga residente ng lungsod.

Sa ngayon aniya ay magpapatuloy ang pagbibigay ng bakuna hanggang sa maubos ang binibigay ng national government

Hinikayat naman ng alkalde na makiisa at magparehistro sa kanilang COVID-19 vaccination program sa pamamagitan ng kanilang Taguig TRACE.

Facebook Comments