Mga nabakunahang kabataan sa lungsod ng Maynila, nasa higit 68,000

Umaabot na sa higit 68,000 ang bilang ng mga kabataan sa lungsod ng Maynila na naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 68,166 ang bilang mga menor de edad mula 12 hanggang 17 taong gulang ang naturukan na ngnasabing bakuna.

Unaabot naman sa 2,013 ang kabuuang bilang ng mga kabataan na naturukan ng second dose ng bakuna.


Magpapatuloy pa rin ngayong araw ang first dose vaccination sa mga menor de edad na gagawin sa anim na eskwelahan at anim na district hospital.

Sa mga nasabing hospital rin ikakasa ang secod dose vaccination para sa mga kabataan na naturukan ng Pfizer vaccine noong October 28, 2021.

Ikakasa rin ngayong araw ang pagtuturok ng booster shot sa mga kabila sa A1 priority group sa anim na district hospitals.

Facebook Comments