Kinakailangan pa ring dumaan sa testing at quarantine ang mga Pilipino abroad na nabakunahan laban sa COVID-19 at planong umuwi sa Pilipinas.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) na ang mga bakuna ay ligtas at epektibo laban sa severe form ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na ebidensyang nagpapatunay na kayang pigilan ng bakuna ang viral transmission.
Hindi pa rin napapatunayan na ang mga COVID-19 vaccines ay may kakayahang mapigilan ang hawaan.
Hanggang hindi kumpleto ang mga ebidensya, kailangang sundin pa rin ang health protocols.
Facebook Comments