Sumampa na sa 213,647 o 96% police personnel mula sa kabuuang mahigit 222,000 pwersa ng Pambansang Pulisya ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine mula sa datos nitong September 23, 2021.
Batay ito sa datos na inilabas ng Philippines National Police (PNP) Administrative Support to COVID-19 Task Force (ASCOTF).
Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOFT Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, sa bilang ng mga nabakunahan, 147,097 o 66.05% na ang fully vaccinated habang nasa 66,550 o 29.88% ang nabakunahan ng first dose.
Habang 9,045 o 4.0% sa kanilang mga tauhan ang ayaw pa rin magpabakuna kung saan 1,395 dito ay may mga valid na dahilan habang ang 7,650 naman ay sadyang ayaw talagang magpabakuna.
Una nang sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi nila pinupwersa ang kanilang mga tauhan na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Pero patuloy nilang hinihikayat ang mga ito na magpabakuna para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.